Lift Your Breasts

Ang mga Pinakamagandang Ehersisyo para Ma-lift ang Suso…nang NATURAL

Maraming babae ang walang tigil sa paghahanap ng mga natural na paraan para ma-lift at maging firm ang kanilang mga suso, at narito ako para sabihin sa inyo na ITO AY MAAARI kahit hindi ka gumamit ng drug enhancers o magpa-opera. Ito ang ilang tips kung paano mapanatiling malaki at firm ang iyong mga suso at kung paano malalabanan ang gravity sa loob ng maraming taon.

Gumamit ng Mask

Hindi, hindi iyong karaniwang mask. Ang mask na ito na gawa sa pipino at pula ng itlog ay puno ng high levels na protina at natural na skin toning properties na makakatulong sa pagpapa-firm ng lumalawlaw na balat at mapaganda ang hitsura ng balat. Sa paggawa ng mask na ito, i-puree mo sa blender ang isang maliit na pipino kasama ang isang pula ng itlog at isang kutsarita ng butter o cream hanggang sa maging paste ang mixture. Kapag naihanda na ang mask, i-apply mo ito sa suso mo at hayaang nakapahid sa loob ng 30 minuto. Kapag tapos na ang treatment, banlawan mong mabuti ng malamig na tubig ang mask. Inirerekomenda ang paggamit ng mask na ito isang beses sa isang linggo para maging mas firm at malakas ang breast tissue.

Subukan Mo ang Upsize Cream

Inirerekomenda ang UPSIZE BUST CARE Cream ng Hendel para sa pang-araw-araw na pangangalaga ng suso at sa decolette area ng mga babae. Sa sistematikong aplikasyon ng UPSIZE BUST CARE Cream ng Hendel, magmumukhang “pushed up” ang suso, mas malaki, at mas kaakit-akit at maganda dahil sa espesyal na aktibong sangkap na VILUFILINE TM. Pinabubuti ng cream ang tension, firmness, at elasticity ng balat, kaya mas radiant at puno ito ng energy, at dahil dito, nagiging mas maganda ang buong katawan. Ang UPSIZE Bust care cream ng Hendel ay may malambot na tekstura, madaling ipahid, at mabilis masipsip ng balat.

upsize

Alamin Mo ang Tunay na Sukat ng Iyong Bra

Halos 70% ng babae ang nagsusuot ng bra na hindi wasto ang sukat. Dapat mong alagaan ang iyong suso tulad ng iyong paa kapag namimili ka ng sapatos. Hindi ka maaaring magsuot ng sapatos na masyadong maliit ang sukat dahil masasaktan ang iyong paa at maaaring magdulot ng mga medikal na isyu, kaya bakit mo isisiksik ang suso mo sa bra na hindi angkop ang sukat? Kapag mali ang bra size, maaaring magdulot ito ng di-magandang postura, pananakit ng likod, at maging pinsala sa breast tissue. Ang payo ko, piliin ang angkop sa iyong bra size na sinukat ng mga propesyonal. Ladies, alam kong kine-claim ng Victoria’s Secret na sila ang #1 leader sa bra fitting, pero kung lampas ka sa 36DD, hindi makukuha ng VS ang tamang bra size mo. Trust me, HH ang kambal ko at lagi silang nagkakamali sa sukat. Ang payo ko, magpasukat sa bra specialists sa INTIMACY para malaman mo ang totoong bra size mo.

Ituon ang Ehersisyo sa Pag-build Up ng Pectoral Muscles

Ang suso ay pangunahing binubuo ng taba, pero ang kabuuang mass ay nasa ibabaw ng kalamnan na tinatawag na pectoral. Kapag itinuon mo ang ehersisyo sa pag-build up ng kalamnang ito, nagkakaroon ng solid base para mas masuportahan ang suso at maiwasan ang paglawlaw nito. Narito ang dalawang simpleng ehersisyo na magagawa mo kahit sa bahay para maging mas firm, matayog, at maganda ang hugis ng suso mo, anuman ang sukat ng mga ito!

    • Push Ups: Ang simpleng set ng hindi bababa sa 10 push ups bawat araw ay makakatulong na sa pagpapalakas ng pectoral muscles at magbibigay-daan para sa mas lifted na suso. Para sa wastong paraan ng pagsasagawa ng push up, dumapa sa sahig at iposisyon sa sahig ang mga kamay na magkahiwalay nang isang balikat. Gamitin mo ang iyong mga kamay para i-push ang iyong katawan hanggang maabot ang “plank” position kung saan ang iyong puwet ay pantay sa iba pang mga bahagi ng iyong katawan, pagkatapos ay bumalik sa resting position. Kung nahihirapan ka sa full push up, puwede sa iyo ang modified “girl version” nito sa pamamagitan ng mas malawak na distansiya sa pagitan ng dalawang kamay at pag-bend ng tuhod habang ibinababa ang mukha at dibdib palapit sa sahig. Kung makaka-50 na push ups ka sa isang linggo, magiging maganda ang resulta sa isang buwan. Trust me, sulit ang pagod at hirap mo.

  • Weight Lifting: Ang weight lifting ay isa pang magandang paraan para ma-build up ang pectoral muscle. Ang bench press ang isa sa mga pinakaideyal na ehersisyo sa weight training para mapaganda ang dibdib, pero kung hindi ka pa gaanong advanced sa training, subukan mo ang simleng balance ball exercise na magagawa mo sa gym o sa bahay. Gumamit ng balance ball para suportahan ang bigat sa iyong upper back at i-extend mo ang iyong paa sa anggulong 90 degrees. Inirerekomenda ang weights na may bigat na limang libra, pero kung masyadong mabigat ito sa iyo, puwede na ang tatlong libra. Magsimula sa free weight sa magkabilang kamay na naka-rest sa sahig sa iyong gilid. Itaas mo ang iyong mga kamay sa anggulong 90 degrees at i-hold ang posisyong ito sa ilang segundo. Kapag hindi mo na kayang panatilihin ang posisyon, ibaba mo ang mga kamay mo at ibalik sa iyong gilid, magpahinga nang ilang segundo at pagkatapos ay ulitin ang mosyon.
Ang mga Pinakamagandang Ehersisyo para Ma-lift ang Suso…nang NATURAL
Rate this post
kagiliw-giliw na mga katotohanan tungkol sa katawan ng tao: woman`s health..

by

Hi everyone! My name is Jolina M. Abong and I work in Asian Hospital and Medical Center. In my blog best doktors from Philippines and other countries around the word tell you about health and beauty!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *