how to lose weight

Gustong Magdiyeta ngunit Walang Panahong Mag-ehersisyo? Posible!

Patapos na naman ang taon. Kaliwa’t kanan na naman ang Christmas parties. Party ngayon, party bukas. Kain dito, kain doon. Hindi mo mamamalayan, unti-unti nang sumisikip ang paborito mong pantalon. At sa unang araw ng 2018, maiiyak ka dahil hindi mo na ito maisuot sa hita mo pa lang.

Kasunod ng panahon ng halos walang katapusang parties at pagkain ng ano-ano ang panahon ng pagdidiyeta. Hindi ito problema sa mga ugali na ang pagpapawis sa gym o pagtakbo sa umaga. Ngunit dambuhalang pasanin ito ng mga walang panahon sa pag-eehersisyo.

Huwag kang mag-alala kung nais mong magdiyeta ngunit wala kang panahong mag-ehersisyo. Hindi pa katapusan ng mundo. Bagaman inirerekomenda pa rin ang pagdidiyeta at regular na ehersisyo, maaari kang magbawas ng timbang nang hind nag-eehersisyo. Paano mag-diet nang walang exercise? Sundin mo lang ang sumusunod na tips:

Magbagong-buhay ka na

start new life!

Wala pa ring tatalo sa masustansiyang agahan

Sanayin mong kumain ng agahan dahil pinabibilis nito ang metabolismo at napipigilan nito ang pagnanasa mong kumain sa mga oras na hindi ka dapat kumakain. Ayon sa isang pag-aaral sa Journal of International Medical Research, nakatutulong ang agahan sa pagkontrol sa apettite at pag-iwas sa obesity at iba pang karamdaman. Inirerekomendang kumain ng mga pagkaing mayaman sa protina at fiber upang manatili kang malakas sa trabaho o sa paaralan. Iwasan ang pagkaing sobra sa asukal.

Hindi ka papayat sa pagpupuyat

Alam mo ba na maaaring magdulot ng obesity ang pagpupuyat? Ayon sa resulta ng pananaliksik ng  National Center for Biotechnology Information, kapag kulang ka sa tulog, mas malakas kang kumain. Mainam kung magkakaroon ka ng walong oras na tulog. Marami ang nagsasabing hindi maiiwasan ang pagpupuyat. Ang totoo, kaya itong maiwasan sa pamamagitan lamang ng epektibong time management. Simulan mo kaya sa pagbabawas ng oras sa social media?

Galaw-galaw para hataw sa buong araw

Hindi dahil sinabing posible kang pumayat kahit hindi mag-ehersisyo ay hihilata ka na maghapon. Siyempre, kailangan mo pa ring gumalaw-galaw para matunaw ang kinonsumong calories. Ayon sa isang artikulo sa LiveStrong, ang kalahating oras na pag-inat ay nakatutunaw ng 149 calories. Tumayo, igalaw-galaw ang mga kamay at paa, maglakad-lakad kahit kaunti para magising ang mga kalamnan, dumaloy ang dugo, at bumilis ang iyong metabolismo.

Magbuhat, magbuhat, magbuhat

Nakatutunaw ng calories ang simpleng paglakad-lakad o paggalaw-galaw. Ano kaya kung itodo mo na at magbuhat-buhat ka rin ng mga bagay tulad ng grocery bag, backpack, at maliliit na kagamitan sa bahay. Sa pamamagitan nito, maaaring maging triple ang rate ng pagtunaw ng calories. Kung magdadala o magbubuhat ka ng backpack, inirerekomendang 15% lang ng bigat mo mo ang maari mong buhatin.

Paano kung may sasakyan ka?

Sapat na ang araw-araw na paglakad papunta o pauwi sa trabaho o paaralan. Ngunit paano kung may sasakyan ka? Ayon sa isang pananaliksik, bumigat ng apat na libra ang mga kalahok na pumapasok sa trabaho nang nakakotse sa loob ng apat na taon (American Journal of Preventive Medicine). Paano ka tutunaw ng taba? Isang solusyon ang pagpaparada ng sasakyan sa lugar na may kalayuan sa destinasyon para makapaglakad ka nang malayo-layo. Hanggang maaari ay gamitin din ang hagdan ng gusali.

More sex, mas happy

Hindi ito biro, ngunit nakatutulong sa pagbabawas ng timbang ang pagtatalik. Ibig sabihin, mas madalas ang iyong pakikipagtalik, mas mabilis ang pagbaba ng iyong timbang. Ayon sa mga pag-aaral, nakatutunaw ang pagtatalik ng 144 calories kada kalahating oras. Nakatutunaw din ng calories ang halikan (68 calories kada oras), masahe (80 calories kada oras), at paghuhubad (8 calories). Tandaan, dapat ay ligtas at responsable ang iyong pakikipagtalik. Paano magiging malakas sa sex? Answer here.

Piliin ang Angkop na Programa sa Diyeta

chose your diet

High five sa high-fiber diet

Mag-diet para maging healthy. Subukan ang high-fiber diet. Madalas na iniuugnay ang fiber sa pag-upo sa trono sa banyo. Ngunit hindi ito dapat ito maging laman ng katatawanan. Alam mo ba na ang pagkain ng 30 gramo ng fiber sa isang araw ay makatutulong sa iyo sa pagbawas ng timbang, pagpapabuti ng lagay ng puso, pagnormalisa ng presyon ng dugo, at mas maayos na kondisyon ng insulin sa katawan mo? Kaya itigil na ang pagtawa at kumain na ng mga pagkaing mayaman sa fiber tulad ng prutas at gulay, mani, cereal, legumes, at oats.

May promise sa high-protein

Nababagay ang programang ito sa mga nais magpapayat dahil napipigil nito ang iyong gutom. Bukod sa tumutunaw ng taba, nakapagpapalakas ng kalamnan ang protina. Ayon sa American Journal of Nutrition, nakabubusog ang mga pagkaing mayaman sa protina kaya hindi agad maghahanap ng pagkain ang iyong katawan. Mainam kung kakain ka ng lean meat, seafood, beans at soy, tofu, yogurt, itlog, at iba pang dairy products.

Low-carb, no prob

Paano mo maiiwasan ang dalawang tasa ng masarap at mabangong kanin? Ang paborito mong tinapay? Ang pizza, patatas, pasta? Seryoso, bawas-bawasan mo ang pagkonsumo sa mga ito kung nagpapapayat ka. Sa pananaliksik ng Harvard School of Public Health, mas napananatili ng mga taong nagbabawas sa carbohydrates ang mas magaan at malusog na timbang makalipas ang dalawang taon. Maliban dito, naging mas mabuti ang kondisyon ng kanilang puso at daluyan ng dugo.

Mga Inumin: Mga Dapat at Di-Dapat

green coffe beans for slimming philippinesGreen Coffee

Remedyong pagbawas ng timbang na walang pagkagutom at nakakapagod na pagbabanat

MAG-ORDER NGAYON

Dapat: Tubig

Paano nakababawas ng timbang ang pag-inom ng tubig? Kapag sapat ang tubig sa iyong katawan, hindi ka gaanong makararamdam ng gutom. Kung dehydrated ka, mas madali kang magutom at mas malakas kang kumain. Ayon sa CNN, ang tubig ang sikreto sa pagpapapayat. Kailangan lamang siguruhin ang wastong water intake sa isang araw, na nakadepende sa iyong Body Mass Index.

Di-dapat: Soft drinks

Masarap i-partner ang soft drinks sa pagkain, ngunit masama ito sa iyong katawan. Hindi mabubura ng malutong na dighay ang katunayang punong-puno ang soft drinks ng asukal na maaaring magdulot ng sakit sa puso, type 2 diabetes, at iba pang chronic conditions, ayon sa Harvard School of Public Health. Isa pa, nagpapalaki rin ito ng tiyan. Kaya iwasan mo ito.

Dapat: Sariwang katas gulay o prutas

Bukod sa tubig, mainam ding uminom ng mga katas ng gulay o prutas tulad ng pakwan, melon, mansanas, plum, peras, dalandan, suha, pipino, celery, broccoli, at carrots. Bukod sa nakapagpapapayat ang mga ito, marami pang ibang benepisyo ang natural at sariwang katas ng gulay o prutas: nakatutulong ang mga ito sa paglilinis ng loob ng katawan, pagpapaganda ng balat, at pagtanggal ng stress. Uminom ka rin ng sabaw ng buko dahil mabilis itong nakatutunaw ng taba at nagpapabuti ng metabolismo.

Di-dapat: Artipisyal na katas ng prutas

Madalas na ipakita sa mga patalastas sa telebisyon ang mga pakinabang sa kalusugan ng mga katas ng prutas na nakabote o nasa pakete. Ang totoo, nakasasama sa kalusugan ang mga artipisyal na katas ng prutas na ito. Ang hindi alam ng marami, napakataas ng sugar content ng mga ito, kaya mabilis magpataba.

Dapat: Kape

Magdiwang ka kung mahilig ka sa kape! Nalaman na sa mga pag-aaral na epektibo ang inuming ito sa pagbabawas ng timbang. Ayon sa isang artikulo sa HealthLine, ang kape ay: nakakapag-breakdown ng taba at nagpapabilis ng metabolic rate. Mainam din ito sa digestive system. Iwasan lang ang paghahalo sa kape ng maraming asukal, gatas, o cream.

Di-Dapat: Alkohol

Isa sa maling nosyon sa pagbabawas ng timbang ang positibong epekto ng alkohol sa pagsunog ng taba. Ayon sa isang artikulo sa LiveStrong, hindi makatutulong ang alkohol sa iyong pagpapapayat dahil: may mataas na calorie content ito, pinababagal nito ang metabolismo, at pinalalakas nito ang iyong kain. Maaari ka pa rin namang uminom ng alkohol, siguruhin lang na kaunti lamang ang iinumin mo.

Sa mga nagtatanong kung posible ba ang magbawas ng timbang kahit hindi nag-eehersisyo, ang sagot ay OO. Paano mag-diet? Siguruhing masustansiya ang iyong kinakain o iniinom at samahan ito ng kahit kaunting pisikal na aktibidad at.

Ngayon, alam mo na kung paano mag-diet nang walang exercise. Tandaan, sa pagpapapayat, kailangan pa rin ng disiplina at pagsisikap.

Try new method of lose weight with goji berries!

kagiliw-giliw na mga katotohanan tungkol sa katawan ng tao: articles..

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *