Mga Dapat Gawin para Tumaba nang Mabilis

Nilalayon ng artikulong ito na magbigay ng kaalaman hindi lamang para sa mga gustong tumaba, ngunit lalo’t higit sa mga gustong maging sexy at slim. Bakit mo dapat itong malaman? Sapagka’t hindi sapat na tanging mga slimming techique lang ang iyong mapag-aralan. Dapat mo ring alamin ang mga bagay o paraan na sanhi ng pagkakaroon ng taba sa katawan.

Ang kakulangan sa timbang o pagiging underweight ay nararapat na bigyang-pansin. Mali ang inaakala ng iba na kapag payat ka, ikaw ay may mainam na pangangatawan. Importanteng isipin ang balanse ng katawan, hindi maaaring labis na payat ang isang tao.

Sa online news na makikita Philippine Star, nabanggit dito na sa yugtong 1975 hanggang 2014, ang Pilipinas ay pang-siyam sa may pinakamaraming underweight na tao sa buong mundo. 3.6 milyon na lalaki at 4.4. milyon naman na babae. Ito ay isang alarming fact, na talaga namang dapat lutasin.

Para mas lalo pang maunawaan ang risk ng pagiging sobrang payat, narito ang mga lathalaing magpapatunay na hindi mabuti ang ganitong kalagayan:

1)    Nailathala ng London School of Hygiene and Tropical Medicine, na ang labis na kawalan ng timbang ay maaaring magresulta sa maagang dementia (sakit sa pag-iisip). Ito ay karaniwang nangyayari sa mga middle-aged na taong may BMI na mas mababa sa 18.5. Dagdag pa sa artikulo, 34% ang chance na magkaroon ng early dementia ang mga taong nasa grupong ito.

2)    Ayon naman sa NHS Choices, ang pinakamalaking health magazine sa UK, ang pagiging underweight ay maaaring magdulot ng mga sumusunod na problema:

  • a)    Kakulangan sa nutrisyon – dahil sa kaka-diet ng isang tao, nakakaligtaan niyang panatilihin ang balanse na kailangan ng katawan, gaya ng mga bitamina at mineral. Isa na rito ang calcium, na kapag nagkulang ay magiging sanhi ng osteoporosis.
  • b)    Mahinang immune system – pagkakaroon ng sakit, sipon, at lagnat.
  • c)    Isyu sa fertility – humihinto ang period o pagreregla ng mga babae.

3)    Ang pinakamalala na maaaring mangyari dahil sa underweight issue ay ang pagkamatay nang maaga. Napatunayan ng pag-aaral ng New England Journal of Medicine na ang kulang sa timbang ay nauugnay sa malaking pagtaas ng panganib ng kamatayan sa lahat ng populasyon ng Asya.

Ngayong alam na natin ang panganib na dala ng pagiging sobrang payat, talakayin na natin ang mga paraan upang tumaba, maibalik ang nawalang bigat, at mapanatili ang tamang timbang.

Analyn Alvarez, 25-anyos Tagasanay para sa kalakasan ng katawan

Malaking problema para sa mga nag-uumpisa pa lang na mga manlalaro at maging sa mga propesyonal na atleta ang kirot sa mga kalamnan, pagkabanat, at mga maliliit na kapinsalaan. Samantala, kahit ang wastong pag-papainit ay hindi kayang pigilan ang mga ito. Ang iyong mga kalamnan ay kailangang i-painit sa tulong ng mga espesyal na paghahanda: mga pamahid, dyel, krema, atbp. Sa mga paghahanda na umiiral sa kasalukuyan, lubos kong inirerekomenda ang Boostergel. Ito ay tumutulong na maiwasan ang mga pinsala sa kalamnan, pagkabanat, at sakit matapos ang pag-ehersisyo

PAGKAIN:

1. Ugaliing kumain ng sapat, ikaw man ay nagda-diet o hindi. Mas mainam na kumain sa tamang oras, at ipinapayo rin na hangga’t maaari ay gawin ito nang apat hanggang anim na beses sa isang araw.

2. Gawing balanse ang mga kinakain. Halimbawa:

  1. a) Kanin, itlog, at isda sa almusal
  2. b) Chocolate drink sa 10:00 am
  3. c) Gulay at karne sa tanghali
  4. d) Tinapay o pizza sa 3:00 pm
  5. e) Prutas at gatas sa gabi.

3. Mga iba pang pagkain na makakatulong sa pagtaba:

  1. a) Granola bar – ito ay handy at hindi ka magugutom kapag may dala ka palagi sa iyong bag.
  2. b) Avocado – kilala ang oil nito na healthy at siyempe, masarap ito at nakakapresko lalo na kapag hinalo sa gatas, tubig at yelo.
  3. c) Dark chocolate – oo, ito ay healthy at napatunayan na mainam sa kalusugan.
  4. d) Pagkaing mayaman sa protina gaya ng taho, tokwa, at soya milk. Tandaan na ang protina ay mahalaga para sa muscle-building, ikaw man ay nagpapataba o nagpapapayat.
  5. e) Tamang oil sa pagluluto – piliin ang mga mas maigi sa puso gaya ng olive oil.

healthy filipino food

INUMIN:

1. Pumili ng tamang inumin para sa iyo. Hindi mo na kailangan pang mag-softdrinks. Maaari kang gumawa o bumili ng fruit shake, pero siguraduhing tamang-tama lang ang asukal na ihahalo.

2. Uminom ng gatas araw-araw dahil ito ay mayaman sa calcium na nagpapatibay ng ating buto.

3. Ang pinakaimportante: Uminom ng sapat na tubig araw-araw. Ayon sa  Food and Nutrition Board ang pangkalahatang mga rekomendasyon para sa mga kababaihan ay humigit-kumulang na 2.7 litro ng kabuuang tubig – mula sa lahat ng mga inumin at pagkain – bawat araw, at para naman sa mga lalaki ay average na humigit-kumulang na 3.7 litro ng kabuuang tubig.

 

SUPLEMENTO:

1. Alam naman natin na mahirap ding panatilihin ang pagkakaroon ng sapat na pagkain lalo na kapag masyadong busy sa trabaho o pag-aaral. Dahil dito, inirerekomenda rin ang pag-take ng supplements na may nilalamang bitamina at mineral.

2. Piliing mabuti kung ano ang bagay na suplemento para sa iyo. Maaari kang mag-take ng Vitamin C tablets, grapeseed oil extract, glutathione capsule, Vitamin E soft gels, at iba pa. Depende ito sa iyong lifestyle at goals. Mainam kung magtatanong ka muna sa iyong doktor bago magdesisyon kung anong supplement nga ba ang kailangan mo.

keep fit pilipinas

PAMUMUHAY:

1. Mag-ehersisyo! Hindi mo dapat isipin na ang pag-e-exercise ay para lamang sa mga figure conscious. Mali! Ang paggalaw ng buto at kalamnan ay dapat na i-maintain dahil ito ang nagbibigay sa atin ng tamang kondisyon para sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.

Hindi naman kailangang magpunta agad sa gym. Maaari mong simulan ang iyong araw sa pamamagitan ng paunti-unting pag-stretch ng kamay, braso, binti, at paa sa umaga. Puwede ka ring maglakad-lakad sa labas ng iyong bahay. Kung ikaw naman ay nakatira sa lungsod o sa limitadong espasyo gaya ng condominium, maaari ka pa ring mag-exercise kahit ikaw ay nasa iyong kama, kuwarto, o sa bahagi na may sapat na space at hangin.

Sabi nga nila, “start with baby steps,” para hindi mabigla ang katawan. Kapag nasanay ka na sa mga kaunting paggalaw na ito, magiging handa na ang iyong katawan para sa mga mas aktibong gawain gaya ng jogging, running, o pagpunta sa gym.

2) Umiwas sa bisyo. Ito ay hindi na dapat pang i-elaborate. Marami na tayong napanood, nabasa o nasaksihan na ang bisyo gaya ng labis na alak o sigarilyo ay masama sa ating katawan. Munting paalala: Sa halip na bumili ng alcohol o cigarette, bakit hindi mo na lang ito ipambili ng suplemento, o ipunin para makapagpa-member ka sa iyong inaasam na sports club o gym?

3) Mag-relax! Ayon nga sa ating kasabihan, “Aanhin pa ang damo, kung wala na ang kabayo?” Puro trabaho ka nga at marami nang ipon, pero madalas ka namang magkasakit? Hindi lamang sapat na pagkain ang kailangan ng katawan. Dapat mo rin itong alagaan at bigyan ng pahinga.

Umpisahan natin sa trabaho, kung nararamdaman mong masakit na ang iyong ulo o mata, lumayo muna sa computer at i-relax ang mga ito. Sumagap ng sariwang hangin o makipag-usap sa iyong mga katrabaho.

Kung pakiramdam mo naman ay labis na ang iyong stress, bakit hindi ka magbakasyon muna? Bigyan ang iyong sarili ng relaxation at unwinding time. Tiyak na pagbalik mo mula sa iyong vacation, ikaw ay magkakaroon ng panibagong lakas at sigla para ipagpatuloy ang iyong trabaho.

PATNUBAY:

Hindi mo kailangang biglain ang lahat ng inirekomendang solusyon para tumaba o magkaroon ng sapat na timbang. Dapat mong isaalang-alang ang iyong araw-araw na gawain at layunin upang magawa nang naaayon ang mga ito. Sa ngayon, ang importante ay napag-alaman mo na ang mga valuable points patungo sa pagkakaroon ng katawang malakas at masigla.

Pump Up Your Muscles!New Method!!

 

kagiliw-giliw na mga katotohanan tungkol sa katawan ng tao: articles..

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *