how to whiten face and skin naturally

NATURAL NA MGA PAMARAAN PARA PUMUTI ANG BALAT

Nasabihan ka na ba ng masasakit na salita dahil sa maitim mong balat? Nahihiya ka bang mag-shorts o magsuot ng sleeveless na blouse dahil hindi pantay ang kulay ng iyong balat? Nakaranas ka na ba ng diskriminasyon sa trabaho at pag-ibig dahil lang hindi ka maputi?

Hindi mo dapat ikahiya kung kayumanggi man ang iyong balat dahil natural ito sa ating mga Pilipino. Ngunit wala rin namang masama kung maghahangad ka ng mas maputing kutis, lalo na kung magbibigay ito ng kumpiyansa sa sarili at wala ka namang ibang maaagrabyado. Katawan mo iyan, kaya huwag mong aalalahanin ang sasabihin ng iba.

May ilang natural na pamamaraan para maging white ang skin, at para mawala rin ang kulubot at maging pantay ang kulay ng balat.

Andrea Galvez Dermatologong Doktor
Bawat babae ay nangangarap magkaroon ng magaan at makinis na kulay ng balat. Maraming mga pampaganda ang naglalaman ng kemikong mga sangkap ng pagpapaputi. Marami ang nagagawa nitong pinsala sa balat na dahialn ng nabalisang balanse ng tubig, mga kulobot at hindi pantay na kutis. Nagiging napaka sensitibo ang balat at madaling kapitan ng mga alerdye. Sa wakas nakagawa ng isang pambihirang tagumpay ang modernong pagpapaganda sa puntong ito sa pagbuo ng isang espesyal na pampaputing maskara na ‘Miracle Glow’. Ang isang natatanging kumbinasyon ng ligtas na aktibong mga sangkap ay ginagawa na maari nang makamit ang perpektong magaan na kulay ng balat habang pinapanatili ang kagandahan at pagpapabuti ang kondisyon nito. Walang kontrindikasyon ang maskarang ito at rekomendado sa anumang uri ng balat sa anumang edad.

KATAS NG PATATAS

Mahilig ka ba sa french fries, potato chips, mashed potato, o hash brown? Alam mo bang may iba pang silbi ang patatas bukod dito? Maaari mo ring gamitin ang katas ng hilaw na patatas para pumuti ang iyong balat. Mayaman ang hilaw na patatas sa vitamin C na taglay rin ng iba pang natural na produktong pampaputi. Nagtataglay rin ito ng vitamin B6 na nakatutulong sa cell formation.

Nagtataglay rin ang patatas ng enzyme na nakatutulong sa pagtanggal ng mga dark spots at pekas. Mayroon din itong potassium na nakakapag-hydrate ng balat. Ang magnesium na taglay nito ay lumalaban sa mga free radicals na nagdudulot ng mga di-kanais-nais na linya sa balat. Mainam din ang hilaw na patatas sa pagtanggal ng mga patay na skin cells.

Paano pumuti ang balat gamit ang katas ng patatas? Sundin lamang ang sumusunod na mga hakbang para makamit mo ang hangarin mong pumuti. Makatutulong din ang pamamaraang ito sa pag-moisturize ng iyong balat.

  1. Maggadgad ng 1 hilaw na patatas na katamtaman ang laki, at pigain para makuha ang katas.
  2. Paghaluin ang 3 kutsarang katas ng patatas at 2 kutsarang pulot. Haluing mabuti.
  3. Ipahid sa mukha o sa iba pang bahagi ng katawan ang mga pinaghalong sangkap, at iwanan ito sa loob ng 10 hanggang 15 minuto.
  4. Banlawan ito ng maligamgam na tubig. Gawin ang pamamaraang ito araw-araw hanggang pumuti ang iyong balat.

MAG-ORDER MIRACLE GLOW

PUMUTI GAMIT ANG KALAMANSI

Ang kalamansi o Citrus microcarpa ay katutubong halaman sa Pilipinas at iba pang bansa sa Timog-silangang Asya. Ang balat at katas nito ay may alkalizing effect sa ating katawan, kaya epektibo ito sa pagpapaputi ng balat. Sundin mo ang sumusunod na mga hakbang para pumuti ang iyong balat.

  1. Hiwain mo ang kalamansi sa dalawa. Pigain mo ang katas ng isang hati sa platito o anumang malinis na lalagyan. Itabi sa refrigerator ang isa pang hati.
  2. Isawsaw ang bulak sa katas ng pinigang kalamansi. Pagkatapos ay ipahid mo ito sa iyong mukha, leeg, batok, siko, kilikili, tuhod, o mga bahagi ng katawan na gusto mong pumuti.
  3. Maghintay ng 15 – 20 minuto bago mo banlawan ang bahaging pinahiran ng katas ng kalamansi. Mas mainam kung maligamgam na tubig ang gagamitin mo. Huwag kalilimutang mag-moisturize pagkatapos para mas maganda ang epekto.
  4. Maaari mong gawin ang pamamaraang ito nang dalawa hanggang tatlong beses sa isang linggo. Huwag itong gawin araw-araw dahil makasisira ito sa iyong balat.

Ngunit tandaan mo na matapang ang kalamansi, at maaaring magdulot ito ng iritasyon sa iyong balat kung mali ang gamit nito. Kaya kaunting ingat. Huwag na huwag magpapahid ng katas nito kung magbababad ka sa ilalim ng araw kung ayaw mong masunog ang iyong balat. Kung hindi kaya ng iyong balat ang tapang ng kalamansi, maaari mong haluan ng kaunting tubig ang katas bago mo ito ipahid sa iyong balat.

Maaari ka ring gumawa ng maskarang kalamansi para pumuti. Ipagpatuloy lang ang pagbabasa para malaman kung paano ihahanda ang maskarang ito.

  1. Maghanda ng 1 kutsarang katas ng kalamansi, 1 kutsarang katas ng pipino, 1 kutsarang katas ng kamatis, at 1 kutsarang baking soda. Haluing mabuti ang mga sangkap na ito hanggang sa magkaroon ng consistency na tulad ng sa paste.
  2. Ipahid ang mga pinaghalong sangkap sa mukha. Huwag kang ngingiti at iwasang igalaw ang mga kalamnan sa mukha. Iwan itong nakapahid nang 15 hanggang 20 minuto.
  3. Pagkatapos ay banlawan ang maskara gamit ang maligamgam na tubig. Huwag kalilimutang mag-moisturize pagkatapos.

Kung tuyo ang iyong balat, huwag nang mag-alala. Maaari ka ring gumawa ng maskarang angkop sa uri ng iyong balat. Sundin lamang ang mga sumusunod na hakbang:

  1. Sa isang mangkok, ilagay ang 1 kutsarita ng katas ng kalamansi, 1 kutsarang powdered milk, 1 kutsarang pulot, at 2 patak ng olive oil o virgin coconut oil. Haluing mabuti hanggang sa magkaroon ng consistency na tulad ng sa paste.
  2. Ipahid ang pinaghalong mga sa sangkap sa iyong mukha. Huwag mong igagalaw ang mga kalamnan sa iyong mukha. Hayaan itong nakapahid nang 20 hanggang 25 minuto.
  3. Banlawan mo ang iyong mukha gamit ang maligamgam na tubig. Huwag kaligtaan na mag-moisturize pagkatapos nito.

mask for face

MAY SILBI ANG SABILA

Ang sabila o aloe vera ay halamang nagtataglay ng mga sangkap na nagpapagaling ng iba’t ibang karamdaman o kondisyon sa katawan. Kilala rin ito sa pagpapaputi ng balat. Sinasabing ito ang ginamit ni Cleopatra para pumuti at maging glowing ang kaniyang balat.

Ngayon, paano pumuti gamit ang sabila? Maraming paraan ng paghahanda nito. Isa na rito ang sumusunod na ang pangunahing layunin ay makontrol ang pagdami ng melanin:

  1. Paghaluin ang 1 kutsarita ng dagta ng sabila, 1 kutsarita ng gatas, at 1 kutsarita ng pulot.
  2. Ipahid ang pinaghalong mga sangkap sa mukha bago matulog. Huwag itong banlawan.
  3. Kinaumagahan, maghilamos ng maligamgam na tubig.
  4. Ulitin ang pamamaraang ito araw-araw hanggang pumuti ang iyong balat. Wala itong masamang side effects.

Bukod sa pagpapaputi ng balat, napatunayan na rin ng ilang pag-aaral (tingnan ang artikulong nalathala sa Annals of Dermatology) na may mga sangkap ang sabila na nagpapanatili ng elastisidad ng balat. Kaya mainam din ito sa mga nagkakaedad na at mayroon nang kulubot na balat.

mask with aloe

BALIK-ALINDOG SA SABAW NG NIYOG

Katulad ng katas ng kalamansi, marami ring pakinabang ang sabaw ng niyog. Maaari mo itong gamitin bilang pampalambot at pampaputi ng balat. Dahil sa mataas na nutritional value nito, nakatutulong din ang sariwang sabaw ng niyog sa paglunas sa mga problema sa balat tulad ng acne. Napababagal din nito ang proseso ng pagtanda.

Kumuha ng bulak at isawsaw ito sa sariwang sabaw ng niyog. Pagkatapos ay ipahid mo ito sa iyong mukha, leeg, batok, siko, kilikili, tuhod, o mga bahagi ng katawan na gusto mong pumuti. Kapag tuyo at walang-buhay ang balat sa mukha, maaari mo itong ipanghilamos para magmukhang maaliwalas at glowing ito.

Hindi tulad ng katas ng kalamansi, hindi mo na kailagang banlawan pa ang balat na pinahiran o hinilamusan ng sabaw ng niyog. Hindi rin ito matapang sa balat. Ugaliin ang pag-inom ng sabaw ng niyog dahil mainam ito pagpapabuti ng balat, lalo na sa mga tuyong balat.

Paano Binago Ng Miracle Glow Ang Hitsura Ko

MGA TIP SA PANGANGALAGA NG BALAT

Mawawalan ng saysay ang iyong pagpapaputi kung hindi mo naman aalagaan nang wasto ang iyong balat. Narito ang ilang tips upang maging mas epektibo ang iyong pagpapaputi.

  • Uminom ng maraming tubig. Wala pa ring tatalo sa tubig sa pag-hydrate ng balat. Uminom ng tubig kahit hindi nauuhaw. Hindi man ito nakapagpapaputi, napananatili naman nito ang kalusugan ng iyong balat. At kung malusog ang balat, mas madali na lang sa iyo ang magpaputi.
    • Magpahid ng sunblock araw-araw. Ang labis na pagbibilad sa araw ay maaaring magdulot ng pagkasunog ng balat, hindi pantay na kulay nito, o skin cancer. Kaya kailangan mong gumamit ng sunblock kung lalabas ka ng bahay, lalo na kung magpupunta ka sa beach. Gamitin din ito kahit na maulap dahil tumatagos pa rin ang mapaminsalang UV radiation.
    • Tigilan na ang paninigarilyo. Hindi lamang ito masama sa kapaligiran, napasasama rin nito ang iyong kalusugan (at ang kalusugan ng mga nakalalanghap nito). Bukod sa sinisira nito ang iyong baga, ginagawa rin nitong tuyot ang iyong balat na isa sa mga sanhi ng pangungulubot nito.
    • Kumain ng masustansiyang pagkain. Kumonsumo ng mga pagkaing mayaman sa bitamina at mineral. Makatutulong kung kakain ka ng mga gulay at prutas na mayaman sa bitamina A, C at E para lumusog at pumuti ang iyong balat.

Tandaan, wala pa ring tatalo sa natural na pamamaraan sa pagpapaputi ng balat. Siguruhin ding mapanatili ang kalusugan ng balat habang nagpapaputi.

miracle glow philippines

NATURAL NA MGA PAMARAAN PARA PUMUTI ANG BALAT
Rate this post

by

Hi everyone! My name is Jolina M. Abong and I work in Asian Hospital and Medical Center. In my blog best doktors from Philippines and other countries around the word tell you about health and beauty!

One thought on “NATURAL NA MGA PAMARAAN PARA PUMUTI ANG BALAT

  1. Jay anN

    A very worth it ang helpful blog post to read admin.
    Parami ng parami na talaga ang pampaputi ngayon. Tayong mga Pilipino Kasi mahilig sa mga pamputi. Isa na ako niyan. Hehe
    Maraming mga natural na paraan kaya lang kailangan tlga ng effort para gawin. Kailangan ng time. Hehe kaya marami pa ring gusto nung mga pampaputing sabon, lotion at capsule.
    Thanks 🙂

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *