Paano mawala ang pimples: LIKAS NA MGA PARAAN PARA MAWALA ANG MGA TAGIHAWAT

Isang normal na kondisyon ng balat na nakakaapekto sa balat ng maraming tao ang tagihawat, lalong lalo na sa mga kabataang nagdadalaga o nagbibinata. Pamamaga ito ng balat dahil sa pagkakaroon ng impeksyon sa balat o ang glandulang nagkokontrol sa langis na nasa balat. Kapag nainfect ng bakterya ang glandulang ito, mamamaga ito at mapupuno ng nana.

Pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng tagihawat ang sobrang pagpalabas ng langis ng oil gland. Kadalasang tumutubo sa mukha, leeg, likod at balikat ang mga tagihawat. Bagaman hindi seryosong sakit ang pagkakaroon ng tagihawat, maaari itong ikahiya ng mga mayroon nito lalo na ng mga kabataan.

Maraming ipinakikita sa TV na produktong nakakaalis daw ng mga tagihawat. Subalit mahal at madalas, matagal na umipekto ang mga produktong ito. Pag-usapan natin ngayon ang mga pamamaraan kung paano mawala ang pimples na maaari mong gawin sa loob ng bahay.

GUMAMIT NG YELO PARA SA PAMAMAGA NG TAGIHAWAT

Kilalang lunas sa pamumula at pamamaga ng balat ang yelo. Maaari din itong gamitin na pang-alis sa pamamaga ng tagyawat. Nakakatulong para ayusin ang sirkulasyon ng dugo sa apektadong bahagi ng balat ang yelo. Pinakikipot din nito ang mga maliliit na butas at inaalis ang mga langis at dumi na naipon sa balat. Sa pag-alis ng tagihawat sa pamamagitan ng paggamit ng yelo, pwede kang gumamit ng ice cube o crashed ice, depende kung ano ang mas madali para sa iyo.

Magbalot ng yelo sa kapirasong tela at ipatong ito sa balat na may tagihawat sa loob ng ilang sandali. Maghintay ng ilang minuto at ulitin muli ang proseso.

Makikita mo na naaalis ng yelo ang pamumula at pamamaga ng tagihawat.

MGA PAKINABANG NG GOJI CREAM

Ang Goji Cream ay tumatagos sa mga mas malalim na suson ng balat, at umaaksyon mula sa loob, na nagti-trigger ng produksyon ng collagen na nagtatanggal ng mga kulubot.Ang mga aktibong sangkap nito ay nagpapakalma ng balat, at binabawasan ang pamumula at iritasyon.

Dahil sa mga asidong amino, nagagamot ang mga munting pagkasira sa balat, nawawala ang pamamaga, at nagiging mas mahusay ang pag-regenerate ng balat. Nanunumbalik ang likas na balanse ng pH, at ang pagkalastiko ang balat. Naglalaho rin ang pagbukol at mga sensyales ng pagod.

where to buy gojicream,"1"

Paano mawala ang pimples at blackheads: KALAMANSI NA PANLABAN SA MGA TAGIHAWAT

Ang paggamit ng katas ng kalamansi, na mayaman sa vitamin C ang isa pang mabilis na paraan para maalis ang mga tagihawat. Makatutulong ang katas ng kalamansi para mas mabilis na matuyo ang mga tagihawat. Siguraduhing gumamit ng likas na kalamansi. Uso na ang katas ng kalamansi na nakabote sa iabng bansa, hindi ito maganda dahil sa mga taglay nitong mga preserbatibo.

May dalawang paraan para magamit ang kalamansi na pang tanggal sa mga tagihawat.

Bago matulog sa gabi, isawsaw ang cotton buds sa katas ng kalamansi at ilagay ito sa tagyawat.

Maaari mo ring paghaluin ang isang kutsarang katas ng kalamansi sa isang kutsaritang pulbos ng kanela at ipahid ito sa mga tagihawat at hayaan ng magdamag. Pagkagising mo sa umaga hugasan ito ng mabuti ng maligamgam na tubig. Tandaan: hindi ito pwede sa mga taong may maselang balat.

PAANO MAWALA ANG MGA TAGIHAWAT: GUMAMIT NG TOOTHPASTE

Maari din palang gamitin na panggamot sa mga tagihawat ang toothpaste na ginagamit lang tuwing umaga para linisin ang ngipin.. Napakaepektibo itong gamitin bilang kasunod sa paggamit ng yelo. Piliin ang puting toothpaste sa panggamot ng tagihawat hindi ang parang dyel.

Lagyan ng puting toothpaste ang apektadong bahagi ng balat bago matulog sa gabi. Banlawan ng maayos ang bahagi na pinaglagyan ng toothpaste sa umaga. Makikita mo ang malaking pagbabago sa pamamaga at pamumula ng iyong mga tagihawat.

Maari mong ulitin ang prosesong ito sa umaga kung gusto mo. Siguraduhin mo lamang na hindi mahuhulog mula sa iyong mukha ang toothpaste ng hindi bababa ng kalahating oras.

GUMAMIT NG TOOTHPASTE

GUMAMIT NG SINGAW PARA SA MGA TAGIHAWAT

Maganda sa balat ang paggamit ng singaw sa kahit anong pagkakataon, lalo na kung pinoproblema mo ang pagkakaroon ng tagihawat. Binubuksan ng singaw ang iyong mga baradong maliliit na butas. Makatutulong ito para matanggal ang sobrang sebo, dumi at bakterya sa balat na maaaring nakabara sa mga butas nito na nagiging sanhi ng impeksyon at pamamaga.

Kumuha ng isang malaking lalagyan at punuin ito ng kumukulong tubig. Hayaang tumama sa iyong mukha sa loob ng ilang minuto ang singaw na galing sa mainit na tubig.

Maghilamos ka ng maligamgam na tubig. Patuyiin ang mukha at maglagay ng moisturizer.

BAWANG PARA SA TAGIHAWAT?

Bukod sa gamit ng bawang sa kusina, mayroon itong antiviral, antibacterial, antifungal at anti-oxidant na mga katangian din na nakatutulong na mawala agad ang mga tagihawat. Ang sulfur o asupre na nasa bawang ang siyang dahilan kung bakit nakagagamot ito ng iba’t ibang mga sakit sa balat kasama na ang mga tagihawat.

Hatiin sa dalawa ang isang piraso ng bawang. Ikuskos sa mga tagihawat ang bawang at hayan ng limang minuto bago hugasan ng maligamgam na tubig. Ulitin ng ilang beses sa isang araw.

Makatutulong din na linisin ang iyong dugo ang pagkain ng isang piraso ng bawang araw araw. Tandaan lang na masama rin ang sobrang pagkain ng hilaw na bawang dahil pwede nitong sugatan ang sikmura mo.

garlic remove pimples

PWEDE BA SA MGA TAGIHAWAT ANG BAKING SODA?

Isa pa sa mga pwede mong hanapin para masolusyonan ang problema mo sa balat tulad ng mga tagihawat ang baking soda dahil nakatutulong ito na linisin ang balat at alisin ang sobrang sebo at mga patay na selula ng balat.

Gamit ang isang kutsarita ng baking soda, gumawa ng isang makapal na paste na hinaluan ng tubig o katas ng kalamansi. Hugasang mabuti ang mukha at hayaan itong mamasa masa. Lagyan ng baking soda paste ang lugar kung saan may tagyawat at hayaan itong matuyo sa loob ng ilang minuto. Huwag hayaang masyadong magtagal ang baking soda sa iyong mukha dahil maari itong maging sanhi ng pagkatuyo at pangangati ng balat. Banlawan ng maligamgam na tubig ang iyong balat pagkatapos. Para sa mas magandang epekto ulitin ang prosesong ito ng dalawang beses kada araw.

Alisin ang pimples: HONEY PARA SA TAGIHAWAT

Naglalaman ang honey ng likas na mga pamatay mikrobyo na maaaring magpabilis sa paggaling ng tagihawat, at nakakatulong ito na makaiwas sa mga impeksyon sa balat.

Isawsaw ang isang cotton bud sa honey at direkta itong ipahid sa balat na may mga tagihawat. Hayaan ito sa loob ng kalahating oras. Banlawan ng maligamgam na tubig ang balat. Gawin ito ng ilang ulit araw-araw.

Maari mo ring ihalo ang honey sa pulbos ng kanela para makagawa ng malapot na pasta at ipahid ito sa balat na may mga tagihawat sa gabi bago matulog. Paggising mo sa umaga, mapapansin mo na wala na ang pamamaga at pamumula. Gamit ang malamig na tubig, hugasan ng maayos ang balat.

where to buy gojicream,"1"

Paano mawala ang pimples: LIKAS NA MGA PARAAN PARA MAWALA ANG MGA TAGIHAWAT
Rate this post

by

Hi everyone! My name is Jolina M. Abong and I work in Asian Hospital and Medical Center. In my blog best doktors from Philippines and other countries around the word tell you about health and beauty!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *